Tupad Pay out ginanap sa Provincial Farmers Livelihood Development Center

Bunga ito ng sampung araw na pagtatrabaho ng mga benepisyaryo mula sa iba't ibang barangay sa First District ng Ilocos Sur maliban sa mga benepisyaryo ng Vigan City na mas nauna ng nagpay-out. Ang bawat araw na pagtatrabaho ay katumbas ng 468 pesos na dati ay 435 pesos kaya't ang kabuuang nakuha nila ay 4,680 pesos. Labis naman ang tuwa ng mga nakatanggap dahil ayon sa kanila ay kahit papaano'y mayroon na namang ibibili ng pagkain. Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ni Governor Jerry Singson at mga Sangguniang Panlalawigan Members.