TSUNAMI PREPAREDNESS PRAYORIDAD NGAYON NG LGU STA CATALINA
TSUNAMI PREPAREDNESS PRAYORIDAD NGAYON NG LGU STA CATALINA
Aminado si Mayor Edgar Rapanut ng Sta Catalina, Ilocos Sur na nababahala na sila sa posibleng tsunami na tatama sa kanila kapag may malakas na lindol sa kabaybayan nito.
Sa ginawang tsunami simulation ,hinati ang Manila Trench sa apat na segments kabilang ang Sta Catalina I.Sur ,at ang mangyayari sa Manila Trench segment 2 (MT2)
Ayon kay Mayor Rapanut ang mga opisyales ng barangay ay nagdidistribute na ng leaflets para maipaalala nila ang Tsunami Preparedness.
May ginawa na rin ang MDRRMC na Tsunami Evacuation Guide Route na kung sakaling may tsunami ay pwede sila mag evacuate sa evacuation site ng Bantay Arcade,Quirino Stadium at PFLDC.