PRESYO NG CAULIFLOWER PUMAPATAK NA 40-60 KADA KILO

Nagagalak ang mga magsasaka ng gulay sa naturang bayan dahil sa mataas na presyo ngayon ng kanilang produkto. Ang cauliflower na isa sa mga produkto nila ay naibebenta na nila sa 40-60 pesos per kilo. Ayon kay Victor Rimalos,na isang farmer leader, maganda ngayon ang presyo at nakakabawi na sila mula sa mga nagdaang bagyo. Maraming nasira na gulay gaya ng sibuyas. Aniya, blessing sa kanila na mataas ngayon ang presyo ng cauliflower at repolyo. Bukod sa repolyo at cauliflower,tumaas din ang presyo ng kamatis sa lugar na 130 pesos kada kilo, gayundin ang sili ,bell pepper at iba pa.