OPLAN TAOB KONTRA DENGUE, NAISAGAWA SA LAHAT NG PAARALAN SA BAYAN NG STA CATALINA

Ang "Oplan Taob" ay isa sa mga mabuting gawin para maiwasan ang paglaganap ng dengue.Ayon kay Ginang Rose Raras,Principal ng Caboloan Elementary School,layunin ng programang ito ay alisin ang mga pinamumugaran ng lamok na nagdadala ng dengue virus, partikular na ang mga stagnant water sa loob at paligid ng paaralan. Hinihikayat niya ang mga mag-aaral, guro at magulang na regular na suriin at itapon ang tubig sa mga lumang gulong, paso, bote, at mga timba na hindi ginagalaw. Ang "taob" ay tumutukoy sa pagbaliktad ng mga lalagyan ng tubig upang maiwasan ang pangingitlog ng mga lamok o pamugaran ng kitikiti. Bahagi rin ang paglilinis ng kapaligiran at pagsusuot ng mga pantalon o may manggas upang maiwasan ang kagat ng lamok.