OPLAN SANTINDIG SUSUNDIN NG BFP

OPLAN SANTINDIG para maiwasan ang pekeng recruitment sa BFP Isang malaking hakbang na pinasimulan ng lahat ng tanggapan ng Bureau of Fire Protection o BFP ang OPLAN SANTINDIG. Ayon kay Senior Fire Officer Romeo Medrano ng BFP Narvacan, layunin nitong ipaalala sa mga gustong pumasok sa BFP na libre at hindi kailangang magbayad. May mga modus na ginagamit ng mga scammer na nagpapanggap na mula sa BFP, na humihingi ng pera o nagsasabi na may bayad ang pagpasok. "Panloloko lamang ang mga ito," ani ni Medrano. Idinagdag pa niya na ang OPLAN SANTINDIG ay isang paraan ng BFP para labanan ng mga scammer, lalo na sa mga nagbebenta ng Fire Officer 1 positions at iba pang panloloko para kumita ng pera. Kung may nakitang kahina-hinalang gawain o na-experience ang mga nag-a-apply agad na iulat ito sa BFP para mabigyan ng aksyon.