One Ilocos Sur Cafe at OTOP Hub pormal ng nagbukas sa bayan ng Tagudin

Pormal ng nagbukas ang One Ilocos Sur Cafe at OTOP Hub sa bayan ng Tagudin. Pinangunahan ito ni Governor Jerry Singson kung saan bida dito ang Robusta Coffee na produkto ng mga Upland Municipalities sa naturang probinsya . Dito rin nabuksan ng display area ng One Town One Product ng iba pang bayan. Dumalo rin sina Asst. Regional Director Merly Membrere ng DTI Region1, Provincial Director Amelia Galves ng DTI Ilocos Norte, Provincial Director Victoria Ordoño ng DTI La Union at Provincial Director Rosario Quadala ng DTI Ilocos Sur. Presente rin sa naturang programa sina Sanguniang Panlalawigan Members Benjamin Maggay, Leopoldo Geronilla at Mildred Elaydo. Ayon sa Gobernador, open 24 hours ito at pang world class ang disenyo.