Si Miss Ishin Galang tubong Becques, Tagudin I.Sur ang bagong Señorita Feria de Candon sa ginanap na pageant na bahagi ng selebrasyon ng Feria de Candon ng Candon City. Mahigit 50,000 pesos ang kanyang napanalunan kasama na rin ang special award na Best in Swimsuit at iba pang parangal mula sa mga sponsors.
Ayon kay Ishin Galang, hindi niya inaasahan na siya ang mananalo sa titulo dahil ito ang kanyang unang pagsali sa ganitong uri ng kompetisyon. Sa pakikipanayam ng DWRS Commando Radio sa kaniya kung saan niya gagamitin ang napanalunan niya ay walang pag-aalinlangan niyang sinabi na gagamitin niya ito upang tumulong sa mga nangangailangan dahil na rin na siya ay isang Student Nurse.