MENOR DE EDAD PATAY MATAPOS BANGAIN ANG POSTE NG KURYENTE SA CERVANTES, ILOCOS SUR

Patay ang isang menor de edad matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa poste ng kuryente sa naturang bayan. Ayun sa kapulisan, nakilala ang biktima na si Ivan Pacudan Cuyangan, edad 17 at residente ng Brgy. Malaya, Cervantes. Napag alaman na ang biktima ay pauwi na at nang makarating ito sa provincial road ng Brgy. Concepcion, mabilis ang takbo ng kanyang minamaneho hanggang hindi niya na makontrol ang manibela kaya't bumangga ito sa poste ng kuryente. Naitakbo pa ang biktima sa Ilocos Sur District Hospital-Cervantes, ngunit naideklara itong dead on arrival. Napag alaman na positibo ang biktima sa alak.