Tuloy tuloy ngayon ang programa ng National Food Authority na pagbili ng palay mula sa mga magsasaka.
Ayon kay Manager Jonathan Corpuz may mga local govt unit na may programang nagbibigay ng insentibo gaya ng LGU Santa. Two to three pesos ang idagdag ng gobierno municipal sa kada kilo ng palay na ibenta nila sa NFA.
Layunin nitong mahikayat ang local farmers na sa NFA magbenta upang magkaroon ng sapat na supply ng bigas.
Nauna ng naiulat na ang bentahan ng kada kilo ng palay sa NFA ay hanggang 25 pesos.