MANGINGISDA SA ILOCOS SUR BINABALAANG MAGDOBLE INGAT SA EPEKTO NG HANGING AMIHAN
MANGINGISDA SA ILOCOS SUR BINABALAANG MAGDOBLE INGAT SA EPEKTO NG HANGING AMIHAN
Binabalaan ng Philippine Coast Guard Candon City ang mga mangingisda sa Ilocos Sur dahil sa pabago-bagong tubig dagat dala ng hanging amihan.
Ayon kay PCG Ens. Daryl Tillay, Sub-station Commander mabuting laging magdala ng safety equipments katulad ng life vest at magdoble ingat ang mga ito dahil sa mga di inaasahang pagtaas at pagbaba ng tubig.
Sa ngayon, wala pang Gail Warning na binaba ng DOST-PAGASA at wala ring naitalang Low Pressure Area sa Phil.Area of Responsibility.