Patuloy ang pag-unlad ng Bayan ng Suyo, partikular sa sektor ng agrikultura. Ayon kay Municipal Agriculturist II Patricio Bawas Jr., mula sa 70 na magsasaka, umabot na sa 120 ang bilang ng mga nagtatanim ng tabako sa pagsisimula ng taong 2025 sa kanilang bayan.
Tinataya ni Patricio na halos dumoble ang bilang ng mga nagtatanim ng tabako ngayong taon, kaya inaasahang mas tataas pa ang shares ng bayan mula sa RA 7171, isang batas na isinulong ni dating Gobernador Luis "Chavit" Singson.
Ang RA 7171 ay nagbibigay ng benepisyo sa mga bayan na nagtatanim ng tabako sa pamamagitan ng excise tax na nagdadala ng pondo para sa agrikultura at imprastraktura.