LIBRENG TUMBLER NAIBIGAY SA MGA EMPLEYADO NG KAPITOLYO NG ILOCOS SUR

Sa layuning maibsan ang problema sa basura lalo sa mga plastic bottles, nag distribute si Gov. Jerry Singson ng tig-isang tumbler sa lahat ng empleyado ng kapitolyo kaninang umaga. Ayon kay Gov. Singson mas lalong mapangalagaan ang kapaligiran sa paggamit ng tumbler. Dahil dito, malimitahan na ang paggamit ng mineral water na nakaplastic bottle na kalimitang nakikita na nakakalat sa kapaligiran. Layunin pa ng Gobernador na magsilbing modelo ang mga empleyado ng kapitolyo sa pangangalaga ng kapaligiran. Ito ay bilang suporta na rin sa adhikain ni Bokal Christopher Baterina, Chairman ng Committee on Environment sa Hunta Probinsiyal na No to Single Use Plastic.