ISANG LALAKI NA MAY KASO SA ILLEGAL NA DROGA AT ILLEGAL NA PAGHAWAK NG BARIL ,HULI SA ISANG CHECKPOINT

Sa pinaigting na pinapatupad ng gobierno kontra illegal na droga at loose firearms, huli ang suspek na si Rio Vincent Chan, apat napu't dalawang taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Ag-agrao, Sta. Maria. Ayun sa kapulisan, matagal na nilang minaman-mananan ang illegal na gawain ng suspek at meron din itong warrant of arrest for violation of Sec. 11 of RA 9165 under CC # 5366-N-2024 with recommended bail of Php 200,000.00 and violation of Sec. 28(a) of RA 10591 under CC # 5367-N-2024 with recommended bail of Php 80,000.00. Dahil sa naturang checkpoint ng kapulisan sa Brgy. Poblacion ng naturang bayan, nai tip ng intelligence team ang hakbang na ginagawa nito kaya'tng makarating sa checkpoint agad itong pinahinto at doon narin natimbog at nakuhanan pa ng hinihinalang shabu na may bigat na dalawang gramo at may presyong aabot sa 13,600 pesos na nakalagay sa maliliit na plastic sachet. Kasama rin na nakuha sa kanya ang mga gamit nito sa illegal na gawain gaya ng cellphone, weighing scale, cash at ibp. Nasa custodya na ito ng kapulisan at haharapin ang panibagong kaso na isasampa laban sa kanya.