GINANG PATAY MATAPOS MAHULOG SA BANGIN KASAMA ANGA ASAWA SA SINASAKYANG MOTORSIKO
GINANG PATAY MATAPOS MAHULOG SA BANGIN KASAMA ANGA ASAWA SA SINASAKYANG MOTORSIKO
Nauwi sa malagim na trahedya ang nangyari sa isang ginang na ikakasal pa sana biernes dec 20 matapos mahulog sa bangin ang motorsiklo na sinasakyan nila ng kanyang asawa. Nakilala ang biktima na si Shirley Ann Avila, apatnapu't apat na taong gulang at nakilala naman ang asawa na siyang driver ng motorsiklo na si John Avila, apatnapu't siyam taong gulang at kapwa residente ng Brgy. Tiagan, San Emilio,Ilocos Sur. Ang dalawa ay kasal sa huest at ikakasal sana sila sa simbahan.
Ayon sa kapulisan, galing ang dalawa sa simbahan ng kanilang barangay ngunit ng makarating sa matarik ng daan sa Sitio Cangao ng kanilang barangay, nang pababa na sila, nawalan ng preno ang kanilang motorsiklo kaya't dumerederetso sila pababa hanggang sa mahulog sa bangin. Naihaon pa ang mga biktima sa tulong ng barangay, ngunit dineklarang dead on arrival ang ginang sa Candon City Hospital dahil sa tinamong sugat, bagamat nasa mabuti nang kalagayan ang mister.