Kasalukuyang ginaganap ang kauna-unahang pista ng Dept. Of Science and Technology sa Brgy. Cabuloan, Sta. Catalina Ilocos Sur.
Dinaluhan ito ni Engr. Jordan Abad Provincial Director ng DOST Ilocos Sur kasama ang mayor ng nasabing bayan, Mayor Edgar Rapanut, Sanguniang Panlalawigan Member Ronnie Rapanut at ilang kawani ng DOST Region 1.
Layunin nila na maihatid ang mga bagay patungkol sa siyensya lalo ang makabagong teknolihiya gaya ng Robotics at Pagbubukas ng planetarium kung saan mapapanood nila ang itsura ng kalawakan na gawang hologram.
Layunin din nila na ipakilala ang mga magagandang teknolohiya para sa agrikultura at buksan ang iba't ibang proyekto gaya ng Salt Processing facility at Bioreactor Facility para sa naturang bayan kung saan napundohan ito ng mahigit 1.8 million pesos.