Bayan ng Sigay at Suyo, Top 5 Finalists sa DENR Region 1 Search for R.I.V.E.Rs for Life Award 2024
Bayan ng Sigay at Suyo, Top 5 Finalists sa DENR Region 1 Search for R.I.V.E.Rs for Life Award 2024
Magandang balita para sa mga Ilocos Surian dahil ang mga bayan ng Sigay at Suyo ay kabilang sa Top 5 sa DENR Region 1 Search for R.I.V.E.R's FOR LIFE Award o Recognizing Individuals/Institutions Towards Vibrant and Enhanced Rivers Award 2024.
Ang Rivers for Life Award ay isang pambansang kompetisyon na nagsimula noong 2018 upang kilalanin ang mga hindi pa papular na ilog mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Isa sa mga napili ay ang Paduquit River, na ang bukana niya ay matatagpuan sa Sigay at dadaan sa Suyo. Malapit din ito sa sikat na pasyalan na Aw-Asen Falls. Napili na isang finalist dahil sa angkin nitong ganda na nasa pangangalaga ng gobierno at mga nasa komunidad doon.