27 MILYON TINANGGAP NG ISANG BARANGAY SA CAOAYAN BILANG EXTRACTION FEES

Kahapon, ika-20 ng Nobyembre, isinagawa ang pamamahagi ng insurance sa mga magsasaka bilang bahagi ng programa ng Provincial Government ng Ilocos Sur. Kasama sa pamamahagi ang mga bahagi mula sa bayad na nakuha mula sa extraction fees ng mga munisipalidad at barangay sa buong probinsya ng Ilocos Sur. Ang aktibidad ay ginanap sa Provincial Farmers Livelihood Development Center (PFLDC) at pinangunahan ni Gobernador Jerry Singson, kasama sina Bokal Art Oandasan, Bokal Third Ranches, Bokal Efren Rafanan, Bokal Constante Benzon, at si Regional Manager Raul Servito ng Philippine Crop Insurance Corporation.