100 Piraso ng Posibleng Pampasabog na Missile (Unexploded Ordnance) Natagpuan sa Vigan City

Natagpuan ang mga ito sa isang construction site sa Barangay Tamag ni Roldan Sibayan, 50 taong gulang, isang trabahador sa site sa pamamagitan ng backhoe. Nagresponde din ang Vigan PNP. Ang mga iba pang natagpuan sa area ay ang mga sumusunod: 37 na piraso ng 60mm Rocket Propelled Grenade, 11 piraso ng 60mm HE (High Explosive) na may fuse, 73 piraso ng inert, at 9 na piraso ng M60 Anti-Tank Rifle Grenade. Ang mga natagpuang missile ay pinaniniwalaang ginamit o maaaring gagamitin sana noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ayon sa Vigan City Police Station na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo Mendoza Jr. Kasunod nito, ang mga nasabing granada at mga pampasabog ay ipinasa sa mga tauhan ng Vigan CECU (City Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit) para sa tamang disposisyon at kustodiya.